-- Advertisements --
Dumating na sa lungsod ng Pasay ang karagdagang 180 na kapulisan mula sa National Capital Region Police Office- Regional Mobile Force Battalion (NCRPO-RMFB).
Ang nasabing mga kapulisan ay dagdag puwersa ng local government unit para mapaigting ang pagpapatupad ng health protocols sa lungsod para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Magugunitang ilang mga barangay noong nakaraang buwan ang inilagay sa localized lockdown matapos na dumami ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Nasa 519 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan sa 8142 na kumpirmadong kaso ay 7410 ang gumaling na at 213 na ang nasawi.