-- Advertisements --
Screenshot 2020 04 10 15 59 53 61

Masayang dumating sa Pilipinas ang mahigit 400 Pinoy seafafers na naipit sa ibayong dagat dahil pa rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 440 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na nasa Norwegian Pearl, Sky at Sun cruise ships sa USA.

Ligtas na nakabalik ang mga seafarers sa Manila at inaasahang sasailalim sa mandatory quarantine, bilang bahagi ng COVID-19 health measures bago umuwi sa kanilang mga pamilya.

Ang pagpapauwi sa mga Pinoy sa pamamagitan ng koordinasyon ng pamahalaan sa Philippine Embassy sa Washington DC at CF Sharp na local manning agency ay una sa limang scheduled repatriations ngayong araw.

Aabot sa libong overseas Filipino workers (OFWs) ang dadating pa mula sa United States at Europe.

Mula Pebrero ngayong taon, nasa 10,000-person mark na ang napauwing mga OFWs sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang ika-11 na araw ng repatriation ay naisagawa dahil na rin sa pakikipagtulungan ng Department of Health-Bureau of Quarantine (DoH-BoC), Department of Labor and Employment-Overseas Workers Welfare Administration (DOLE-OWWA) at Department of Transportation (DoTr) sa DFA.