-- Advertisements --

Nananatiling hati ang National Unity Party (NUP) sa pagsuporta sa impeachment case ni VP Sara Duterte.

Ayon kay NUP member at Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano, ang ilan sa mga miyembro ng partido ay nagpapahayag ng kanilang suporta para sa impeachment complaint habang ang iba ay hindi rin pumapabor sa impeachment process.

Ito rin ang dahilan aniya kaya’t naglabas ang partido ng official statement na ‘mag-conscience vote’ na lamang o sundin na lamang ang dikta ng konsensiya kung kailangan na nilang bumuto, lalo sa plenaryo.

Ito ay upang hindi aniya maipit ang kagustuhan ng mga miyembro ng partido.

Nakatakda namang magpulong ang partido sa susunod na lingo para talakayin kung susundin pa rin ng mga ito ang party stand sa impeachment.

Ang NUP ay isa sa pinakamalaking partido sa 20th Congress, kasunod ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na pinamumunuan ni dating House Speaker Martin Romualdez na nagsisilbing party president. (report by Bombo Jai)