Plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kumpletuhin na ang nationwide distribution ng cash aid para sa mga public utility vehicle (PUV) operators and drivers na apektado ng labis na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Target ng ahensiya na matapos na ito sa May 20.
Ayon kay DSWD spokesperson Asec. Irene Dumlao, nakapaglabas na ang Philippine government ng mahigit P6 billion na tulong para sa kabuuang 1.2 million benepisyaryo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Inaasahang lalaki pa ang naturang datus habang nakabinbin ang mahigit 800,000 na driver na tatanggap din ng ayuda bago ang pagpasok ng May 20.
Kasama sa mga nakatakdang tatanggap ay ang mga motorcycle taxi at delivery service riders, simula sa susunod na lingo.
Sinimulan ng DSWD ang cash aid distribution bilang tulong sa mga mangagawa ng transport sector na apektado ng mga serye ng price hike.
Ito ay kaiba pa sa tulong ng Department of Transportation (DOTr). (Report by Bombo Jai)















