-- Advertisements --

Mas pinaigting ng mga kapulisan ng Ukraine ang ginagawa nilang seguridad.

Ayon kay Ukraine police chief Ihor Klymenko na ilalagay nila ang mahigpit na pagbabantay ng hanggang Pebrero 19.

Ilan sa mga paghihigpit ay ang pagdagdag ng mga kapulisan na magpapatrolya sa kalsada, pagdagdag ng centers na magmomonitor ng kalagayan.

Magtatalaga rin sila ng mga kapulisan sa mga pangunahing infrastructures at mga pampublikong opisina.

Paglilinaw din nito na hindi dapat mag-panic ang mga tao dahil para na rin ito sa kanilang seguridad.