-- Advertisements --

NAGA CITY- Itinuturong sangkot ngayon ang punong barangay mula sa lungsod ng Naga kasama ang tatlong hindi pa matukoy na mga suspek sa pangbogbog sa isang lalaki.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO) napag-alaman na una ng nagreport sa mga otoridad ang biktimang kinilalang si Mark Alvin Cadano, 35-anyos, nangangalakal at residente ng Brgy. Cararayan ng naturang lungsod.

Nabatid na ayon sa biktima, una umano itong tinawag ng punong barangay na kinilalang si Kapitan Julius Ceasar Sanchez, PB ng Dayangdang, Naga City kasama ang tatlo pang lalaki.

Ngunit ng makalapit na umano ang biktima sa nasabing mga suspek ng bigla na lamang ng mga itong lagyan ng plastic bag ang kanyang ulo at sapilitang sinakay sa isang puting sasakyan.

Armado umano ng m-16 rifle si Sanchez kung saan habang sakay ang mga ito ng naturang saksakyan ng bugbugin ito habang hakaw ang naturang baril sa parteng dibdib at mata.

Samantala, matapos ang naturang pangbubugbug pinahubad rin umano sa naturang biktima ang kanyang suot na damit bago ito ibinaba sa Concepcion Cemetery Concepcion Pequena Naga City.

Sa ngayon nagpapatuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng mgs otordad hinggil sa naturang krimen habang nailapit narin umano ito sa Department of the Interior and Local Governments.

Sa ngayon sinusubukan naring kunan ng pahayag ang naturang punong barangay hingil sa naturang insidente.