Reading Time: 3 minutes
pastor apolinario sleeping

KORONADAL CITY – Naglabas nang bagong larawan ang Kabus Padatuon ministry founder na si Pastor Joel Apolinario upang makuha umano ang simpatiya ng maraming miyembro nito na unti-unti nang nawawala ang suporta sa kaniya.

Sa panibagong kuha ng larawan ni Apolinario, magkahalong reaksiyon ang ipinahayag ng ilan dahil sa nakahiga o natutulog na lamang ito sa lupa at ginawang sapin ang karton.

Hindi naman nilinaw sa official FB account ng KAPA kung kelan ang kuha ng naturang larawan at kung saan ito nangyari.

Ayon sa ilang miyembro sa kanilang social media account “mukhang hirap na hirap” na raw ito sa kaniyang sitwasyon habang nagtatago.

Ito tuloy ang naging sentro ng mainit na debate at “away” sa palitan ng kuro-kuro.

May mga miyembro pa rin kasi ng KAPA na naaawa sa lagay ni Apolinario ngunit marami rin ang naiinis dahil parang nagpapaawa lamang umano ito upang makisimpatiya sa kaniya ang mga miyembro.

Ilan sa mga ito ay mababasa sa Facebook page ng KAPA Community Ministry International:

Edna Sanchez Cabarobias Valencia
“Pastor dito Kami lgi sau.laban lng God bless”

Reja Baguinon
“Pastor napakasakit sa amin na makita anang ginawa sa iyo ng govt peru be strong pastor lalaban tayo hanggang sa makamit ang victory God bless Kapa !!!!!!!”

Yolanda Baya
“Ito ang down fall ng administration . Ilang boto ang mawawala. Ilan ba standing member ng japa. Except me kay hindi ako member pero nakisimpatiya ako dahil hindi sila sakit sa ulo. Kay hindi sila drug addict or drug lord niether drug pusher.”

Para naman sa iba, baka naman gimik daw ito para mahimok ang mga itong ipaglaban ang KAPA kahit alam ng lahat na bilyong piso pa rin ang perang hawak nito maliban sa na freeze ng gobyerno na mga assets at pera ng KAPA.

KyaZhandr James

“What a show?!!? Really???!! Playing with emotions? Then posts something like that???…. mas malupit to dre. Nkahiga ng alang unan. At hindi lng yan… sa karton lng talaga pinili nya. ang dami nmang uto2 n followers ni apolinario. Lapit n kasi magkulong kaya ayan Nag.iinarte na… hayop s kaartehan pero wag ka may chopper at 9 luxury & sports utility vehicles. Sigurado maraming bit2 na cash yan kasi nasa banko less than 100M lng. At makamang nasa ibang bansa n yan. Malaysia o brunei”

Amor Sherrie Talisaysay
“bakit ngayun nagpic ng ganyan noon hindi nag pic noong masagana pa at di pa hinahabol…god bless nalang saiyo ..hindi buta at bingi ang panginoon sa manga pinaggagawa …iba talaga pag pira na ang umiral ang santo maging demonyo…grabi din yung nag pic ..halatang fake..”

Ade Rio Aquino
“maayong pagka edit”

Jm Aksilika
“Parang kawawa pero sa kanya napunta ang pera ng miembro.”

kapa joel apolinario eating

Noong nakaraang linggo lamang ay dumating ito sa pagtitipon ng KAPA sa GenSan na sakay ng helicopter, habang nandoon din sa siyudad ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung maalala nang magsagawa naman ng raid ang NBI, PNP-CIDG at SEC ay naabutan sa kanyang bahay ang isang bullet proof car.

Inamin naman ng SEC na pina-freeze nila sa AMLC ang nasa P100 million na assets at ilang mga luxury cars.

Pero batay sa assesment ng NBI head office bilyong piso ang kinikita ng KAPA o Kabus Padatoon kung pagbabatayan ang ipinangangalandakan umano ni Pastor Apolinario na meron na silang 5 milyong mga miyembro.

Samantala, ayon naman sa isang alyas Inday, kasabay ng isasagawang synchronized prayer ngayong araw ay hindi na sila dadalo dahil wala umano itong silbi at sa halip mas pipiliin nilang magsampa ng reklamo sa NBI laban kay Apolinario.

SEC team 1
SEC officials filed formal complaint before the DOJ vs KAPA founder Pastor Joel Apolinario and other officials