maguindanao datu unsay

CENTRAL MINDANAO – Nahuli sa inilunsad na raid ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG BARMM) at mga pulis sa Cotabato City ang tumatayong Liga ng mga Barangay president at mayoralty candidate ng Datu Salibo, Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Zamlon Guinomla Abdulwaris, residente ng Barangay Bagua 2, Cotabato City.

-- Advertisement --

Sinabi ni CIDG-BARMM operation officer Lt. Col. Esmael Madin, nagpatupad sila search warrant laban sa suspek kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms ang ammunitions.

Naaresto rin ang dalawang mga kasamahan ni Abdulwaris.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang baril, mga bala at isang granada.

Ang ipinatupad na operasyon ay bahagi ng Oplan Paglalansag Omega na kampanya ng gobyerno kontra sa loose firearms.

Sa ngayon kinasuhan na si Abdulwaris ng mga otoridad.