Inihahanda na ang kaso laban sa tumatakbong pagka-board member sa unang distrito ng Camiling, Tarlac na si Atty. Marty Torralba.

Ito ay dahil sa ginawa nitong pananapak sa election officer na si Teddy Mariano.

-- Advertisement --

Ayon kay Mariano, sumugod kanilang opisina nila ang 29-anyos na si Torarralba at bigla na lamang siyang sinapak.

Ikinagalit ni Torralba ang ginawang pagbaklas ng Comelec sa kaniyang mga campaign posters.

Tinutukoy nito ay ang pagka-imprenta ng slogan ni Torralba sa pader na lumabag sa panuntunan ng Comelec kaya binura nila ito sa pamamagitan ng pagpatong ng pintura.

Aminado si Torralba sa kaniyang ginawa at nagalit lamang ito dahil sa hindi pagiging patas umano ni Mariano sa pagpapatupad ng batas.

Dahil sa insidente ay agad na pinaaresto ni Mariano ang nanapak na kandidato.