-- Advertisements --

Sinaway ng kampo ni US President Donald Trump ang virus expert ng bansa na si Dr. Anthony Fauci matapos ang panawagan nito na kaagad palitan ang polisiya ng Estados Unidos ukol sa coronavirus disease.

Sa nalalabing tatlong araw bago ang US presidential elections ay nagbabala si Fauci na mas lalo aniyang mahihirapan ang Amerika kung hindi kaagad nito babaguhin ang mga umiiral na health practices.

Patuloy pa rin daw kasing binabalewala ng mga Amerikano ang iba’t ibang safe practices sa kabila nang nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Ayon kay Fauci, mas magpapalala pa rito ang malamig na panahon sa Amerika o flu sease.

Batay sa huling datos ay aabot na ng 230,000 ang namatay sa US dahil sa deadly virus.

Para sa kampo ni Trump, hindi katanggap-tanggap ang ginagawa ni Fauci, na siyang senior member ng itinatag na coronavirus taskforce ng Republican president.

Nagtataka raw ito kung bakit kung kailan papalapit na ang eleksyon ay saka naman nag-iingay si Fauci sa media.

Nananawagan si Dr. Anthony Fauci, virus expert ng Estados Unidos, na magkaroon ng agarang pagbabago sa polisiya ng bansa ukol sa coronavirus disease.

Magugunita na noong Oktubre ay kinumpirma ni Pres. Trump na dinapuan ito at ang kaniyang asawa na si Melania Trump ng COVID-19.

Sa kabila nito ay hindi umano nakaapekto ang kalagayan ni Trump sa kaniyang ginagawang pangangampanya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines sa isa sa mga campaign advisers ni Trump, sinabi nito na hindi raw napansin ng pangulo na may COVID-19 na pala siya.