(c) S/Supt. Bernard Banac

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga indibidwal na may planong mamimili ng boto na sa kulungan ang bagsak ng mga ito sa sandaling sila ay mahuhuli ng mga otoridad.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Bernard Banac na umarangkada na ang Task Force Vote Buying na pinangungunahan ng Comelec.

Dagdag pa nito na kasama ang PNP sa task force kayat nakakalat na ngayon sa ibat ibang bahagi ng bansa ang mga pulis na bahagi ng task force.

Siniguro ng PNP na mahigpit nilang bantayan ang mga magtatangkang mamimili ng boto.

Kakasuhan ng paglabag sa Omnibus Election Code ang mga mahuhuling mamimili ng boto.

Sa ngayon ang hawak na datos ng PNP ay ang kaso ng vote buying sa Cavite kung saan 10 katao ang inaresto at sa Quezon ay dalawang indibidwal.

Bukod sa vote buying, naka- pokus din ang PNP sa pagbaklas ng mga campaign posters ng mga kandidato na wala sa mga designated o common poster areas.