child1

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanila pang palalakasin ang kanilang kampanya laban sa online child exploitation kasunod ng pagtaas ng kaso nito sa bansa.


Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, paiigtingin nila ang kanilang ugnayan at kooperasyon sa mga Law Enforcement Agencies sa ibang bansa na aktibo sa kampanyang ito.

Sinabi ni Sinas, dahil sa tulong ng impormasyon mula sa Australian Federal Police at US Homeland Security , naglunsad ng magkakahiwalay na operasyon ang PNP Women and Children Protection Center at International Justice Mission sa Tarlac City at Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Sinas, 20 mga batang biktima ng online sexual abuse ang narescue ng PNP.

-- Advertisement --

Sa Tarlac City, apat na suspek ang naaresto, dalawa sa kanila ay mismong magulang ng mga bata.

Samantalang sa Angeles City ay isang suspek din ang naaresto.

Nag-ugat ang mga impormasyon nang may mga naarestong suspek na sangkot sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa Australia at Amerika na ang kanilang mga kasabwat ay nasa Pilipinas.