Pormal nang nagbukas ang third regular session ng Kamara para sa 18th Congress.
Saktong alas-10:00 ng umaga nang binuksan ni House Deputy Speaker Mikee Romero ang kanilang sesyon.
Sa 300 kongresista ngayong 18th Congress, 46 kongresista ang physically present sa plenary hall para sa sa resumption ng kanilang sesyon.
Ang iba na hindi nakapunta sa Batasang Pambansa ngayong umaga ay dumalo na lamang sa kanilang sesyon sa pamamagitan pa rin ng video teleconferencing.
Ngayong umaga, nakatakdang aprubahan ng Kamara ang iba’t ibang resolusyon na may kaugnayan naman sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang alas-4:00 ng hapon.
Kabilang dito ang resolusyon na nagpapabatid kay Pangulong Rodrigo Duterte na pormal nang nagbukas ng sesyon ang mababang kapulungan ng Kongreso at handa na para sa joint session kasama ang Senado para sa SONA.