Gawa sa mga recycled cardboard ang mga bed frames na gagamitin ng mga atleta sa Tokyo 2020 Olympic at Paralympic games.

Nasa 18,000 na kama ang gagamitin sa Olympics habang 8,000 para sa Paralympics.

-- Advertisement --

Gawa naman sa polyethylene materials ang mattresses ng kama na muling gagamitin para sa plastic products pagkatapos ng torneo.

Nauna rito inanunsiyo ng organizers ng torneo na gawa sa mga recycled consumer devices gaya ng lumang cellphones, computers ang mga medalya sa nasabing Olympics.