-- Advertisements --
Nagtala ng panibagong world record ang American swimmer na si Katie Ledecky.
Nahigitan nito ang record niya sa 800 meter freestyle na kaniyang nakamit noong 2016 Rio Olympics.
Sa ginanap na TYR Pro Swim Series FortLauderdale ay mayroong itong 8:04.12.
Halos 13 taon ay dominado na nito ang long-distance freestyle swimming kung saan nakakagawa ito ng mga records.
Sinabi nito na hindi ito makapaniwala kung saan pursigido ito lagi para makamit ang magandang record.