-- Advertisements --
Posible umanong dumulog ang gobyerno sa Supreme Court (SC) para mabigyang linaw ang pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa pamamagitan nito, malalaman kung nagkaroon ba ng maling interpretasyon sa pagpapatupad ng batas.
Ayon kay Pangulong Duterte, iba-iba ang naging interpretasyon sa naturang batas dahil sa hindi malinaw na panuntunan o implementing rules and regulations.
Kasabay nito, tiniyak ni Pangulong Duterte na pananagutin ang mga opisyal ng Bureau of Corrections kung mapapatunayang ginamit ang GCTA sa katiwalian at korupsyon.