LAOAG CITY – Wala pang pagkakilanlan sa kalansay ng isang tao na nakita ng tatlong residente ng Bgy. 23 Barabar sa bayan ng San Nicolas Ilocos Norte habang naghahanap ng kabute nitong Miyerkules.

Sa panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Bgy. Chairman David Pascual, wala namang nawawalang kabarangay na maaring siya na nga ito pero inamin na sa nakalipas na buwan ay may nagpunta sa barangay nila na taga bayan ng Solsona at nagtatanong kung may napadpad na kamag-anak nito.

Kahit sa PNP ay wala ring report tungkol sa nawawalang tao sa mga nagdaang araw sa naturang bayan.

Ayon sa Scene of the crime Operatives (SOCO) ng PNP Prov’l Office, matapos kinuha ang mga buto at saka binuo, sinabi na maaring may tangkad na 5’6” ang kasalansay at posibleng nasa legal na edad na base sa mga ipin nito.

Walang nakitang damit na pang itaas ngunit may nakitang pantalon na maong sa mismong nakakitaan ng mga buto.

Sa ngayon ay hindi pa alam kung paano napunta ang kalansay sa naturang lugar at ang SOCO ay kumuha ng bahagi nito para sa eksaminasyon at para sa nagpapatuloy na imbestigasyon.