-- Advertisements --

Dumating sa bansa ang mahigit 500,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Lumapag pasado alas-9:00 ng Huwebes ng gabi ang eroplanong may lulan ng 556,500 doses ng Pfizer vaccine na binili ng Pilipinas sa US.

Sa nasabing bilang ng bakuna ay 105,300 nito ay dadalhin sa Davao City.

Hinikayat ni Dr. Ma. Paz Corrales ng National Task Force on COVID-19 ang mga mamamayan na samantalahin ang dami ng suplay ng bakuna para magpabakuna na.