-- Advertisements --
kai sotto fiba
Kai Sotto

Mas pinili ni Filipino basketball prospect Kai Sotto na pumirma sa developmental program ng National Basketball Association (NBA) o NBA G League.

Pumirma ang 7 foot 2 na player sa G League Team sa southern California.

Makakasama niya dito ang ilang sikat na manlalaro gaya nina Jalen Green, Isaiah Todd at Daishen Nix.

Umalis noong nakaraang taon sa bansa ang dating Ateneo Blue Eaglet player at nagtungo sa US para ipagpatuloy ang pangarap nitong makapaglaro sa American professional basketball league.

Kasalukuyan nitong nagsasanay sa The Skill Factory ang Atlanta-based sports and development organization.

Noong Pebrero ay nakakuha ito ng slot sa Basketball Without Borders Global Camp na ginanap noong 2020 NBA All-Star Weekend sa Chicago.

Nakakuha ito ng alok na maglaro mula sa University of Georgia, isang National Collegiate Athletic Association Division I school.

Ilan sa mga manlalaro na galing sa Georgia Bulldogs ay sina Atlanta Hawks star Dominique Wilkins at Los Angeles Lakers guard Kentavious Caldwell-Pope.

Naging bahagi si Sotto sa Batang Gilas noong FIBA U-19 World Cup 2019.