PMA
Philippine Military Academy

Natagpuang patay ang isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) matapos na ito ay malunod.

Si Cadet Fourth Class Mario Telan Jr., ay natagpuang patay sa swimming pool na may lalim na 15 talampakan.

Ayon kay PMA spokesperson Capt. Cheryl Tindog, hindi na nakita pa si Telan pagkatapos ng kanilang swimming lesson ng alas-11:00 ng umaga.

Ginawa aniya nila ang lahat ng mga makakaya para maisalba ang biktima kung saan itinakbo pa nila ito sa Fort del Pilar Station Hospital subalit dineklara itong dead on arrival ng mga attending physician.

Kaklase ni Tejan ang pinaslang na si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.

Nakipag-ugnayan na rin ang PMA sa PNP para sa karagdagan imbestigasyon.

Sa bersyon ng PNP Baguio, pasado alas-2:00 na ng hapon ng makita ang bangkay ng kadete sa malalim na bahagi ng pool.