Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Problemado ngayon ang mga magsasaka sa Tuba, Benguet dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.

Ayon kay Barangay Ansagan Kagawad Amalia Daping, nahihirapan sa pagtatanim ang mga magsasaka dahil sa walang tigil na ulan.

Ania, dahil dito ay halos wala nang naaani ang mga magsasaka.

Inihayag ng kagawad na kadalasang beans, sweet peas at iba pa ang itinatanim ng mga magsasaka ngunit hindi na sila makapagtanim nang maayos dahil sa epekto ng habagat.

Idinagdag ni Daping na problema din ng mga residente ang lubak-lubak na mga kalsada patungo sa sentro ng bayan.