Reading Time: 1 minute

LAOAG CITY – Hanggang ngayon ay hinihintay pa ng isang pamilya ang tulong mula sa mga rescue team dahil abot na ng tubig-baha ang kabaong ng namatay na kaanak sa Barangay Apaya sa lungsod ng Laoag.

Ayon kay Emerie Aguinaldo, umaga pa lamang ay humihingi na sila ng tulong sa mga opisyal ng barangay parikular sa kanilang kapitan ngunit wala pa rin daw aksyon.

libing sa Laoag City

Paliwanang nito, inilagay pa nila ang kabaong sa isang katre ngunit aabutin na rin ng tubig kung hindi pa rin matutulungan.

Sinabi nito na ihahatid sana nila ang namatay sa huli nitong hantungan ngunit dahil kay bagyong Ineng ay naudlot.

Umpela naman ito sa mga opisyal at rescue team sa agarang tulong sa kanila.