KORONADAL CITY – Sinira ng buhawi at malakas na pag-ulan ang ilang kabahayan at agricultural crops sa tatlong barangay sa bayan ng Alamada, North Cotabato.

Ang nasabing mga barangay ay kinabibilangan ng Barangay Dado, Lower Dado at Pigkawaran sa nabanggit na bayan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Brgy Dado former Kagawad Kerbie Jacoba, halos nagsilikas at temporaryong nakitulog sa mga kamag-anak ang mga nasalanta o apektado ng nasabing kalamidad.

Ibinahagi nito na ilang magsasaka ang apektado rin dahil sa pagkasira ng ilang ektaryang pananim sa kanilang bayan matapos ang hindi inaasahang paghagupit ng malakas na buhawi kasabay ng ulan.

Nakaranas din ng pag-ulan ng yelo ang nabanggit na mga lugar.

-- Advertisement --

Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang damage assessment sa kanilang lugar para malaman ang kabuuang damyos ng pananalasa ng kalamidad.