Arestado ang sikat na K-pop at drama star na si Park Yoo-chun dahil sa pagbibili at paggamait ng iligal na droga.

Inaprubahan ng Suwon District Court ang pag-aresto sa 32 anyos na si Park.

Naaaresto si Park matapos makabili ng 1.5 gramo ng methamphetamine kaama ang dating kasintahan at gumagamit ito ng iligal na droga ng limang beses.

Si Park ay miyembro ng boyband na TVXQ na sumikat noong 2003 hanggang 2009 bago bumuo ng grupong JYJ.