Jordan Clarkson
-- Advertisements --

Panibagong career milestone ang naabot ng Fil-Am guard na si Jordan Clarkson matapos lumampas na siya ng 8,000-point mark sa scoring.

Ang naturang karangalan para kay Jordan ay nadagdag sa hawak niyang korona sa NBA na reigning Sixth Man of the Year bilang pinagkakatiwalaan ng Utah Jazz.

Sa laro kanina nagsilbi muling sparkplug si Jordan nang talunin ng Jazz ang Denver Nuggets, 122-110.

Sa ngayon wala pa ring talo ang Utah para sa kanilang 3-0 record mula ng magsimula ang bagong season ng NBA.

Nanguna sa diskarte ng Jazz sina Rudy Gobert na may 23 points at si Donovan Mitchell na nagtapos sa 22 points.

-- Advertisement --

Minalas pa ang Nuggets dahil hindi na natapos ng reigning MVP na si Nikola Jokic ang laro makaraang makaranas ng knee contusion.