-- Advertisements --

Ibinulsa ng Golden State Warriors ang ikatlo nitong panalo ngayong season matapos nitong pataubin ang Memphis Grizzlies, 131-118.

Pinangunahan ni Warriors forward Jonathan Kuminga ang panalo sa tulong ng kaniyang 25 points, 10 rebounds double-double.

Hindi rin nagpaghuli ang sophomore guard na si Brandin Podziemski at gumawa ng 23 points at anim na assists sa loob ng 32 points na paglalaro.

Bagaman nagawa ng memphis na duminahin ang unang quarter ng laban, unti-unting bumawi ang GS hanggang sa maiposte na nito ang 17-point lead sa pagtatapos ng ikatlong quarter.

Sa pagkatalo ng Grizzlies, nasayang ang 23 points at siyam na assists ng high-flying guard na si Ja Morant.

Nahirapan ang Memphis na balikatin ang 19 3-pointers na pinakawalan ng GS lalo na sa huling bahagi ng laban. Hindi rin makahanap ang Grizzlies ng pantapat sa 53% overall shooting ng Golden State.

Ito na ang ikalawang pagkatalo ng Memphis ngayong season habang nananatiling isa ang pagkatalo ng Warriors.