Certified husband and wife na si Jolo Revilla at 2016 Binibining Pilipinas runner-up na si Angelica Alita.

Ito’y kasunod ng kanilang pag-iisang dibdib nitong weekend sa Amerika.

Mismong mga bisita sa kasal ang nag-post ng mga larawan ng newly-wed habang nasa Pelican Hills Resort sa New Port Beach, California.

Nasa mga picture rin ang mga magulang ni Jolo na sina “Bong” Revilla at Lani Mercado.

Kabilang naman sa principal sponsors sina Davao City Mayor Sara Duterte, Cavite Governor Jonvic Remulla, at dating Senator Jinggoy Estrada.

Samantala, kapwa emosyonal ang bagong kasal sa kani-kanilang wedding vows:

“Because of you and what you do, you made me a good man…. I’ve never been so certain. Lagi lang pabago-bago ang isip ko sa mga bagay-bagay pero sa iyo, siguradong-sigurado ako,” saad ng nakakabatang Revilla.

Bahagi naman ng tugon ni Alita, “Hindi ka na iiyak mag-isa. Kasama mo akong babangon at magpupunas ng iyong mga luha. At higit sa lahat, salamat sa Panginoon for directing you to me because now I finally found my heaven on Earth with you and Gab by my side.”

Si Gab ay anak ni Jolo sa dating nakarelasyon.

Sa pre-nup video ng dalawa, nakasaad na December 15 itinakda ang kanilang kasal.

Nitong Abril nang unang lumikha ng ispekulasyon na engaged na ang 31-year-old actor/politician dahil sa suot na singsing ni Alita.

Ito’y mahigit isang taon mula nang isapubliko ni Revilla kasabay ng “love month” ang relasyon nila ni Alita na sinasabing isa ring pastry chef.

Hindi naman malinaw kung kailan eksakto nagsimula ang love story ng future husband and wife.

Ka-batch ng ngayo’y 23-year-old beauty queen/chef sina Maxine Medina (Bb. Phl-Universe) at Kylie Verzosa (Bb. Phl-International).

Bago kay Alita, galing si Revilla sa walong taon na on-off relationship sa aktres na si Jodi Sta. Maria.

Habang ang beauty queen naman ay ex-girlfriend ng anak ni Sen. Grace Poe na si Brian.