-- Advertisements --

Inalis na ang lahat ng wind signals para sa bagyong Jolina.

Ayon sa Pagasa, wala nang gaanong epekto ang naturang sama ng panahon sa ibang lugar sa bansa, maliban na lang sa western section na kinabibilangan ng Palawan, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Samantala, lalo pang lumakas ang typhoon Kiko na tinatawag na ng ibang weather agency bilang super typhoon Chanthu.

Huli itong namataan sa layong 670 km sa silangan ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 195 kph at may pagbugsong 240 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.

Dahil dito, nakataas na ang signal number one sa Cagayan, kasama na ang Babuyan Islands, northeastern portion ng Apayao (Luna, Pudtol, Flora, Santa Marcela) at northeastern portion ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan).