-- Advertisements --

Bahagyang nabawasan ang lakas ng bagyong Jolina, na ngayon ay nasa severe tropical storm category na lamang.

Huli itong namataan sa layong 60 km sa kanluran hilagang kanluran ng Masbate City sa lalawigan ng Masbate.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 125 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Signal no. 2:
Central at southern portions ng Quezon, southern portion ng Rizal, Laguna, southeastern portion ng Batangas, northeastern portion ng Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Sorsogon, western portion ng Albay, Masbate including Ticao at Burias Islands, western at southern portion ng Camarines Sur, western portion ng Camarines Norte

Signal No. 1:
Southern portion ng Aurora, southern portion ng Quirino, southern portion ng Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Metro Manila, nalalabing bahagi ng Rizal, nalalabing bahagi ng Quezon, Cavite, natitirang parte ng Batangas, natitirang lugar sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island, natitirang parte ng Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, Catanduanes, at iba pang lugar sa Albay, western portion ng Northern Samar, northwestern portion ng Samar, Biliran, northwestern portion ng Leyte, northern portion ng Cebu, northern portion ng Negros Occidental, Capiz, Aklan, northern portion ng Iloilo, northwestern portion ng Antique