-- Advertisements --

Natitiyak ng Department of Agriculture (DA) na mayroong sapat na suplay ng bigas para P20 per kilo program ng gobyerno.

Ito ay kahit na dinagdagan ang mga magsasaka bilang benepesarayo.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing, and Consumer Affairs Genevieve Velicaria-Guevarra, na hindi basta mawawalan ng suplay kahit na mapalawig pa ang benepesaryo.

Giit pa ng opisyal na sustainable ang nasabing programa kaya maaring mapalawig pa nila ang kanilang programa.

Mayroon aniyang nakahandang nasa 400,000 metric tons na bigas mula sa bodega ng National Food Authority (NFA) para sa nasabing programa.