Pinaigting ng Department of Agriculture (DA) ang market early-warning system upang maagapan ang problema sa suplay at maiwasang mabulok ang mga ani ng gulay.
Bahagi ito ng hakbang ng ahensya matapos ang naging magtagumpay na emergency procurement sa gitna ng hidwaan sa Middle East.
Ayon kay Assistant Secretary Genevieve E. Velicaria-Guevarra, makatutulong ang sistema sa mga regional help desks para mabantayan ang daloy ng produkto mula bukid patungo sa pamilihan.
Mas mapagbubuti ang pagpaplano at mapipigilan ang pang-aabuso ng mga middleman sa pamamagitan ng regular na pagtataya sa ani at farmgate prices.
Nagbibigay rin ang sistema ng mga alerto sa logistic para mas mabilis na makatugon ang pamahalaan sa mga problema sa merkado.
Layunin din ng DA na maiugnay ang mga magsasaka sa mga institusyonal na mamimili upang hindi masayang ang sobrang ani ng mga gulay. (report by Bombo Cindy Grayda)
















