Umabot na sa halagang P1.79 bilyon ang damyos sa sektor ng agrikultura dahil sa pinagsamang epekto ng habagat ang mga nagdaang bagyong Luis, Maymay at Neneng.
Ayon sa Department of Agriculture, na mayroong 51,229 na mga magsasaka ang naapektuhan.
Lumabas din sa datos ng kanilang Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM-OpCen) na mayroong 41,647 na hektarya ng lupaing agrikultura ang apektado.
Nagtala rin ng 44,745 metrikong tonelada ng mga produkto ang nasayang dahil sa nasabing masamang panahon.
Ang mga lugar na naapektuhan ay kinabibilangan ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas.
Maaring madagdagan pa ang halaga ng damyos dahil sa patuloy na nagsasagawa ng assessment ang DA sa mga naapektuhan lugar.















