Pinangunahan ni big man Nikola Jokic ang balanseng opensa ng Denver Nuggets upang kanilang maisahan ang Washington Wizards, 113-108.

Tumabo ng 15 points at 11 assists si Jokic upang buhatin ang Nuggets patungo sa kanilang ikalimang sunod na panalo.

Nagdagdag din ng 15 markers sina Paul Millsap, Gary Harris, Jamal Murray at Torrey Craig para sa Denver.

Nabalewala naman ang 25 points ni Bradley Beal, maging ang 16 points at 10 assists ni Tomas Satoransky para sa Washington, na bigo na rin sa ikatlong dikit na pagkakataon.

Dahil dito, patuloy ang paglabo ng pag-asa ng Wizards na makausad sa next round.