-- Advertisements --

Inilipat na ang New Orleans Pelicans ang beteranong guard na si CJ McCollum sa Washington Wizards.

Batay sa trade deals na napagkasunduan ng Pelicans at Wizards, kasama ni McCollum si Kelly Olynyk at isang future second-round pick na mapupunta sa Washington, kapalit nina Jordan Poole, Saddiq Bey, at isang No. 40 overall ppick.

Dahil sa naturang trade, inaasahang magkakaroon ng solidong lineup ang Wizards na laging nangungulelat sa regular season at playoffs.

Inaasahang pangungunahan ni McCollum ang naturang koponan bilang isang batikang guard, kasama ang mga bagong naidagdag na player sa kalagitnaan ng nakalipas na season: Marcus Smart at Khris Middleton.

Hawak ni McCollum ang 19.6 points per game at 4 assists per game sa kaniyang karera habang naglalaro sa liga.

Sa panig ng Pelicans, inaasahang magsisilbing starting guard ang NBA champion na si Jordan Poole, hawak ang 16.8 points per game at 1.26 steals per game. Nagagawa rin ng dating Golden State Warriors shooter na magpasok ng 3.4 3-pointers sa bawat game.

Makakasama ni Poole ang bigman at dating No. 1 pick na si Zion Williamson, habang inaasahan ding babalik sa lalong madaling panahon ang shooter na si Dejounte Murray kasunod ng kaniyang Achilles injury kamakailan.