Reading Time: 1 minute

Ipinagmalaki ngayon ni NBA superstar James Harden na mas magiging exciting para sa fans ang season ngayong taon matapos makuha nila si Russell Westbrook.

Ayon kay Harden, ito raw ang magiging garantiya niya sa Houston Rockets fans.

Ang pagsasanib ng dalawang dating NBA most valuable player (MVP) ay makaraang makuha nila sa trade si Westbrook mula sa Thunder.

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa mga followers ng Rockets dahil sa posibleng pasiklaban ng dalawang star na makaapekto rin sa buong kuponan.