Ipinababawi ng kumpanyang Johnson & Johnson ang 33,000 bottles ng kanilang baby powder na naibenta sa US matapos na matuklasang may halo itong asbestos.

Nadiskubre ang asbestos sa mga naibentang baby powder ng J&J sa ginawang product test ng Food and Drugs Administration (FDA).

Sa pahayag ng FDA, ang asbestos, na karaniwang nakukuha sa mga building materials at industrial applications, ay isang uri ng carcinogen na maaaring magresulta sa kamatayan sa sinunang gagamit nito sa pamamagitan ng mesothelioma.

Kaugnay nito ay bumulusok din ang value ng J&J shares sa merkado ng 6%.

Nahaharap sa iba’t ibang mga kaso ang 130-year-old na kumpanya mula sa kanilang mga consumers bunsod ng umano’y “impurities” sa kanilang mga produkto.

Sa kanilang pahayag ay sinabi ng J&J na kanilang aalamin ang nasabing ulat ng FDA na tinawag din nila bilang “extremely unusual.”

Habang nagpapatuloy ang imbetigasyon ay nagdesisyon na ang J&J na kusa nang bawiin ang lahat ng baby powder na kanilang ginawa noong nakalipas na taon.