-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng veteran na si John Wall na malaki ang maitutulong niya sa kakulangan ng Los Angeles Clippers lalo na sa pagiging point guard.
Una nang pumirma si Wall ng 2-year contract sa halagang $13.2 million deal.
Inaasahang babandera sa bagong season ng NBA ang Clippers lalo na at babalik na rin sa paglalaro ang superstar na si Kawhi Leonard upang mabuo ang puwersa nila ni Paul George.
Kung maalala inabot din ng isang buong season na hindi nakalaro si Leonard dahil sa matinding injury sa right ACL.