-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Sandiganbayan Third Division ngayong Huwebes, September 10 na i-detain sa piitan ng New Quezon City Jail sa Payatas si dating House Speaker Martin Romualdez. Sa naging pagdinig ngayong araw, napagdesisyunan ng korte na ang magbabantay sa akusado ay ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pribadong ospital sa San Juan City kung saan nakaratay si Romualdez.

Ayon kay PNP-CIDG-NCR Chief P/Col. John Guiagui, na hinihintayin naman nila ang abiso ng kinauukulan kung kakailanganin pa ng BJMP ang tulong ng Philippine National Police.

“If it is granted by the PNP hierarchy, but as for now malinaw ‘yung order na ‘yung magbabantay… ‘yung magcustody is ‘yung BJMP.”

Ayon pa kay Guiagui na agad na mag-pu-pull out ang kanilang liderato sa private hospital sa San Juan City sakaling i-turn over na nila ang pagbabantay kay dating house speaker Romualdez.

“We will pull out as soon as we turn over ‘yung custody at pagbabantay kay former speaker Romualdez.”

Hindi nga nakadalo ngayong araw sa pagdinig ang dating house speaker hinggil sa continued hospital confinement under custody. Dahil dito hindi nakaharap si Romualdez sa hearing sa Sandiganbayan Third Division kaugnay sa kaniyang mosyon para sa patuloy na hospital confinement.

Matatandaang naghain ang Ombudsman sa Sandiganbayan nitong Lunes, September 7, ng kasong plunder o pandarambong laban kay Romualdez kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa bansa.