-- Advertisements --
Pumirma na ng kontrata sa Los Angeles Clippers si two-time All-Star center Joakim Noah.
Kinumpirma ito ng koponan subalit hindi na nila binanggit pa ang laman kontrata.
Unang pumirma ng 10-araw na kontrata si Noah sa Clippers noong Marso 9 dalawang araw bago itigil ang mga laro dahil sa coronavirus pandemic.
Huling naglaro ang 35-anyos na si Noah sa Memphis Grizzles kung saan may average ito na 7.1 points, 5.7 rebounds at 2.1 assists.
Nagsimula ito sa paglalaro sa Chicago Bulls mula 2007 hanggang 2016 at tinanghal bilang NBA Defensive Player of the Year noong 2013-2014 Season.
Naging ninth overall pick ito noong 2007 NBA Draft.