Ilang lugar sa Quezon City ang nakaranas ng pagbaha dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa road status report ng lungsod pasado ala-5:15 ng umaga nitong Agosto 10, 2026.
Pinakamalalim ang baha sa ilang bahagi ng Barangay Bagong Silangan at Barangay Doña Imelda, kung saan umabot na muli sa chest-deep o hanggang 45 inches ang tubig baha.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang USNA Compound, New Greenland at Bonifacio sa Bagong Silangan, gayundin ang ilang bahagi ng Kapiligan sa Doña Imelda.
Samantala, umabot naman sa waist-deep o 37 inches ang baha sa ilang lugar sa Bagong Silangan, kabilang ang Diamond HOA, Sunrise HOA, Comya HOA, New Greenfield, Brookside, Pinaglabanan, Tagumpay, Isla Pulang Bato at Tumana.
Nakaranas din ng tire-deep o 26 inches na baha sa ilang bahagi ng Barangay Senna, habang knee-deep o 19 inches naman sa ilang lugar sa Sienna, Kalusugan, Kristong Hari, Tatalon, Doña Imelda, Mariblo, Sto. Domingo at Apolonio Samson.
May mga lugar din na nakaranas ng half-tire hanggang half-knee-deep na baha, kabilang ang ilang bahagi ng Sto. Domingo, Santol, Mariblo at Del Monte.
Samantala, nasa ankle-deep o siyam na inches ang baha sa ilang bahagi ng Sto. Domingo at San Roque.
May mga lugar din na nakaranas ng gutter-deep o walong inches na baha sa ilang bahagi ng Santol, Sta. Cruz, Sienna, Tatalon, Lourdes at Doña Imelda.
Gayunpaman, ilang lugar na dating binaha ang nakapagtala na ng subsidized o humupa na, kabilang ang ilang bahagi ng Paang Bundok, Pinyahan, Mariana, Kaunlaran, Silangan, Quirino 2-C at Sienna.
Pinapayuhan ang mga motorista at residente na mag-ingat at iwasan ang mga lugar na may mataas na baha.













![Alvin Aragon sa mga ‘di nagsisimba: ‘Pag pera wala kang [pakialam] kahit may bagyo!’](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2026/08/Alvin-Aragon-100x70.webp)


