Reading Time: 1 minute

Hindi maitago ng kabiyak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee ang kanyang kaba sa pagharap ng kanyang asawa kay undefeated champion Keith Thurman ngayong araw.

Pag-aamin ni Jinkee, nakararamdam daw ito ng nerbyos lalo pa’t mas bata si Thurman ng 10 taon kay Manny.

Pero sinabi raw sa kanya ng fighting senator na maging mahinahon lamang at huwag kabahan sa mangyayaring laban.

Tanging hiling lamang daw ni Jinkee ay maging ligtas ang kanyang asawa pagkatapos ng laban.

Nang makapanayam naman ng Bombo Radyo ang isa sa mga anak ng Pinoy ring icon na si Emmanuel “Jimuel” sinabi nito na sa hula niya ay pababagsakin ng kanyang tatay si Thurman sa loob ng 10 rounds.

Si Jimuel, 18, ay nagsisimula na rin sa kanyang amateur boxing career upang sumunod sa yapak ng kanyang sikat na ama.