Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez
na pinagpapaliwanag siya ng mga Comelec commissioners kaugnay sa kanyang kaalaman sa postponement ng presidential at vice presidential townhall debates na isasagawa sana ngayong araw at bukas.
Inamin ni Director na natanaggap niya ang inter-office memorandum kagabi mula kay Commissioner Rey Bulay.
una nang nagdulot ng iskandalo ang nabulgar na ang contractor daw ng Comelec na Impact Hub Manila o ang Vote Pilipinas ay hindi pa pala nagbabayad sa Sofitel Garden Plaza na siyang naging venue ng dalawang naunang debate.
Kaugnay nito, nakiusap si Director jiemenez na hindi na muna siya sasagot sa naturang mga usapin.
Sinasabing ang Impact Hub ay nalalagay sa alanganin matapos umanong tumalboga ng tseke na inisyu sa hotel sofitel.
sinisingiul na kasi ang grupo ng aabot pa sa P14 million na unpaid bills.
Samantala sumaklolo na rin Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) bilang bagong partner ng comelec upang isagawa pa rin ang debate sa Abril 30 at Mayo 1.