-- Advertisements --

Pinawalang-bisa ng Court of Appeals ang pagka-acquit o pagbabasura ng kaso laban kay dating Sen. Leila de Lima at sa kaniyang kapwa-akusado sa kasong illegal drug trade na si Ronnie Dayan.

Ayon sa CA, nagkaroon ng matinding pag-abuso sa pagpapasya ang korte na nag-dismiss sa kaso.

Dahil dito, muling bubuksan ang kaso para sa karagdagang pagdinig.

Ang naturang development ay inaasahang magkakaroon ng epekto sa legal at pulitikal na usapin sa bansa.

Hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang kampo ni De Lima sa bagay na ito, kahit buwan pa ng Abril nailabas ang kopya ng CA resolution.