Dinala ni Jeron Teng ang kaniyang koponang Alaska Aces matapos talunin ang NLEX 100-87 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Nagtala kasi si Teng ng 20 points at career-high na 15 rebounds para makabawi ang Aces sa dalawang sunod na pagkatalo.

Nag-ambag namna ng 17 points at 12 rebounds si Chris Daniels para hindi papormahin ang wala pang panalong NLEX.

Kuntento naman si Aces coach Alex Compton sa nilaro ng kaniyang players dahil naipagana nila ang kanilang opensa.