-- Advertisements --
Alitan sa posisyon sa kanilang samahan ang tinitignang motibo ng mga kapulisan sa pamamaril at pagpatay sa isang jeepney driver sa kahabaan ng Quezon City nitong Martes ng gabi.
Ayon sa Quezon City PNP, nabanggit ng pamilya ng biktimang si Roel Malagueno, ang bise presidente ng Stop-and-Go Coalition-Munoz-Monumento Chapter, na may natatanggap itong pagbabanta sa buhay mula pa noong 2018.
Magugunitang binaril ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo ang biktima habang ito ay namamasada sa kahabaan ng EDSA.
Dahil sa kawalan ng kontrol ay bumangga pa ang jeep sa isang van.