Mitchell and Gobert
Mitchell and Gobert

Nagnegatibo na sa coronavirus ang dalawang manlalaro ng Utah Jazz at mga staff ng koponan.

Ayon sa Utah Department of Health, na wala silang nakitang anumang impeksyon kina Jazz center Rudy Gobert at Donovan Mitchell.

Kasama ring nagnegatibo sa isinagawang testing ay ang mga staff ng koponan na nakasalamuha ng dalawang manlalaro.

Magugunitang unang nagpositibo sa COVID-19 test si Gobert noong Marso 11 at makalipas ng ilang araw ay nagpositibo rin si Mtichell.

Agad na sumailalim ang mga ito sa quarantine ng ilang araw.

Sinasabing nasa 10 mga NBA players ang nahawa sa deadly virus liban pa sa ilang ga staff at opisyal ng liga.