Nagtala ng record si Jayson Tatum ng Boston Celtics.
Siya kasi ang pinakabatang manlalaro sa kasaysayan ng Celtics na nakapagtala ng kabuuang 10,000 points.
Nagawa nito ng talunin ng Celtics ang Brooklyn Nets 124-114.
Bago magsimula ang laro ay mayroong 16 na puntos pa ang kulang para maabot ang 10,000 points.
Naabot nito ang nasabing 10,000 points landmark sa second quarter ng maipasok nito ang free throw.
Labis na nasiyahan ito ay itinuturing niya na isang blessings ang pagkuha sa kaniya ng Celtics.
Sa edad nitong 25 taon at 246 araw ay mas bata ito ng isang taon sa dating may hawak na record na si Antoine Walker na nakaabot ng 10,000 career points sa edad nitong 26-anyos at 131 araw.
Si Tatum na rin ang pang-10 na pinakabatang manlalaro sa kasaysayan ng NBA na umabot ng nasabing 10,000 points.
Ipinagmalaki naman ni Celtics coach Joe Mazzulla si Tatum kung saan pinuri niya ang pagiging masipag nito sa laro.