-- Advertisements --

Kinumpirma ng Israel na nakabalik na sa kanilang mga bahay ang huling 20 mga bihag ng Hamas.

Ang nasabing bihag na hawak ng Hamas ng mahigit dalawang taon.

Isinagawa ang anunsyo habang nasa Israel si US President Donald Trump matapos isulong nito ang ceasefire deal sa Hamas at Israel.

Nakatanggap ng standing ovation si Trump mula sa mga mambabatas ng Israel dahil sa tagumpay ng ceasefire deal.

Nagtipon-tipon naman ang mga tao sa Tel Aviv para magbigay ngsuporta sa mga binihag na pamilyakung saan napuno ng emosyon dahil sa pagpapalaya ng mga bihag.

Nakasaad sa nasabing ceasefire deal ay papalayin din ng Israel ang nasa 2,000 mga preso na Palestino.

Maraming tao na rin ang nagtipon sa Ramallah City sa Palestine para hintayin ang pagdating ng unang bus na may kargang mga preso.

Kabilang na papalayain ang 250 security detainees , na sangkot sa pagpatay sa Israelis at 1,700 na mga ikinulong ng sundalo ng Israel sa Gaza noong kasagsagan ng giyera.