-- Advertisements --

Nakabalik na ng bansa si pangulong Ferdinand marcos jr kaninang alas-11:28 ng umaga.

Sa kaniyang arrival statement, ibinida ng pangulo ang  tagumpay sa nilagdaang  dalawang mahahalagang kasunduan sa pagitan ng pilipinas at UAE ang comprehensive economic partnership agreement o cepa at ang memorandum of understanding on defense cooperation.

Ayon sa pangulo, sa ilalim ng cepa ay  mas lalawak ang market acces ng pilipinas sa gitnang Silangan para sa mga produkto ng bansa kabilang dito ang suplay ng professional services, health, construction, information and communications technology at iba pa.

Ang pagpapalakas aniya sa market acces para sa filipino service providers patungong uae ay malinaw na pagkilala ng professional competence at excellence o pagiging magaling ng mga Pilipino sa ganitong larangan at  pagkilala sa hindi matatawarang kontribusyon sa ekonomiya ng uae.

Para sa nilagdaan namang MOA on defense cooperation, sinabi ng pangulo na magbibigay daan ito  sa mas malalim na pakikipag tulungan sa uae sa advanced defense technologies tulad ng unmanned aerial system, electronic warfare, at naval systems na mahalaga aniya  sa pagsasa moderno at pagpapasigla ng kapabilidad ng ating sandatahang lakas.

Sa ilalim aniya ng kasunduan,  palalakasin ang defense at military relations ng dalawang bansa sa pamamagitan ng edukasyon at pagsasanay, intelligence at security sharing, at kooperasyon sa larangan ng anti terrorism, maritime security at peacekeeping operations.