Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga naging pagtugon ng pulisya sa mga ikinasang kiluan kontra sa administrasyon nitong weekends.
Ayon kay Nartatez, tinapatan ng hindi bababa sa 2,000 pulis ang nagapatupad ng seguridad sa halos limang lokasyon sa Metro Manila na binubuo ng hindi naman bababa sa 200 mga rallyista.
Kabilang sa mga aktibidad na na-monitor ng Pambansang Pulisya ay mula sa grupo ng mga supporters ni dating pangulo Rodrigo Duterte at ilang pagtitipon ng mga kontra administrasyon sa Forbes Park, Makati.
Ayon pa sa PNP, ang mga naging kilusan ay biglaan lamang at walang kaukulang mga permits lalo na ang grupong nagtipon sa Makati.
Samantala, patuloy namang nakaalerto ang pulisya sa mga gganaping White Ribbon Protest kada Biyernes hanggang sa araw ng Nobyembre 30 na siyang saktong pagkilala sa Bonifacio Day.